Do you know Rucelito?Become his contact | Who is on Multiply?Find your friends | Want to learn more?Take the Tour | Already a Member?Sign In |
It is popular in Japan today to drink water immediately after waking up every morning. Furthermore, scientific tests have proven a its value. We publish below a description of use of water for our readers. For old and serious diseases as well as modern illnesses the water treatment had been found successful by a Japanese medical society as a 100% cure for the following diseases: Headache, body ache, heart system, arthritis, fast heart beat, epilepsy, excess fatness, bronchitis asthma, TB, meningitis, kidney and urine diseases, vomiting, gastritis, diarrhea, piles, diabetes, constipation, all eye diseases, womb, cancer and menstrual disorders, ear nose and throat diseases. METHOD OF TREATMENT 1. As you wake up in the morning before brushing teeth, drink 4 x 160ml glasses of water 2. Brush and clean the mouth but do not eat or drink anything for 45 minutes 3. After 45 minutes you may eat and drink as normal. 4. After 15 minutes of breakfast, lunch and dinner do not eat or drink anything for 2 hours 5. Those who are old or sick and are unable to drink 4 glasses of water at the beginning may commence by taking little water and gradually increase it to 4 glasses per day. 6. The above method of treatment will cure diseases of the sick and others can enjoy a healthy life. The following list gives the number of days of treatment required to cure/control/reduce main diseases: 1. High Blood Pressure - 30 days 2. Gastric - 10 days 3. Diabetes - 30 days 4. Constipation - 10 days 5. Cancer - 180 days 6. TB - 90 days 7. Arthritis patients should follow the above treatment only for 3 days in the 1st week, and from 2nd week onwards - daily. This treatment method has no side effects, however at the commencement of treatment you may have to urinate a few times. It is better if we continue this and make this procedure as a routine work in our life. Drink Water and Stay healthy and Active. This makes sense .... the Chinese and Japanese drink hot tea with their meals ..not cold water. maybe it is time we adopt their drinking habit while eating!!! Nothing to lose, everything to gain... For those who like to drink cold water, this article is applicable to you. It is nice to have a cup of cold drink after a meal. However, the cold water will solidify the oily stuff that you have just consumed. It will slow down the digestion. Once this "sludge" reacts with the acid, it will break down and be absorbed by the intestine faster than the solid food. It will line the intestine. Very soon, this will turn into fats and lead to cancer. It is best to drink hot soup or warm water after a meal. A serious note about heart attacks: Women should know that not every heart attack symptom is going to be the left arm hurting. Be aware of intense pain in the jaw line. You may never have the first chest pain during the course of a heart attack. Nausea and intense sweating are also common symptoms. 60% of people who have a heart attack while they are asleep do not wake up. Pain in the jaw can wake you from a sound sleep. Let's be careful and be aware. The more we know, the better chance we could survive... A cardiologist says if everyone who gets this mail sends it to everyone they know, you can be sure that we'll save at least one life.
Balang araw, titino din tayong mga Pilipino. Aangat din tayo mula sa tatak na Idol na idol ko ang mga taong kasing-edad ko na nakikita ko sa TV. Kaya naman lagi akong nakatutok sa telebisyon para pag-aralan kung ano ang dapat kong ikilos kapag nandoon na ako sa hilera ng mga bituin at nagbibituin-bituinan. Mahirap na ang magmukhang baguhan sa showbiz, parang sa pulitika. Teka, redundant iyon ah—showbiz, pulitika. Pero tiyak yata na maganda ang buhay-celebrity. Saka na ang isyu ng pulitika; pang-gurang na artista lang iyon. Kapag sa mga shopping mall, walang pumapansin sa akin. Balang araw, pagkakaguluhan din ako ng todo kahit pa nagwi-window shopping lang ako. Tignan niyo man, tatakbo ang mga tao papalapit sa akin at hihingi ng aking signature. May mga jologs na babaeng tatalon-talon at titili-tili kapag nasagap ako ng kanilang mga paningin. Ako ang magiging usap-usapin sa kabahayan ng mga batang makakaenkuwentro sa akin. Ipagmamalaki nila na nakita nila ang isang celebrity ng malapitan. Kung tutuusin, puwede kong gawing hobby iyon. Every weekend, iba’t-ibang mga mall ang aking bibisitahin para magkunwaring nagsha-shopping, pero ang tunay kong pakay ay para pagkaguluhan. Hindi naman malaki ang ambisyon ko. Bata pa ako pangarap ko na talaga ‘to. Kung dati, walang nakikinig sa mga sinasabi ko, balang araw, aabangan ng buong Pilipinas ang mga opinyon ko. Magiging under-surveillance ang bibig ko sa mga sasabihin ko—mapa-tungkol pa iyan sa paglahok ni FPJ sa pagkapangulo o sa kakapanindig-balahibong Pop Lola ni Madam Armida. Aalamin din ng mga tao ang basic info tungkol sa akin: kung ano ang height ko, weight, favorite color, favorite TV show, educational attainment (UP graduate!), talents, ambition, family background, motto in life, first crush, definition of love, atbp. Puputaktihin ng matsismis na media ang love life ko at balang araw, hihilingin ng mga paslit na cancer patients na may taning ang mga malas na buhay ang makasama ako, ang kanilang idol, ng isang araw. Kakantahan ko sila ng isang awitin at pagkatapos, makikita niyo na lang sa TV na may gumaling na pasiyente dahil sa aking pagbisita. Balang araw, makikita ninyong lahat ang mukha ko sa daan. Ako na ang gagawing model ng Smart Buddy Load o ng P50 Globe Automax Load (diaka maawatan!). Subway, MRT station, sari-sari store, night club, high way—kahit saan pa iyan. Si Heart nga pati sa mga liblib na lugar nakikita ang mukha na may hawak na cellphone. Madalas namang gawing endorsers ang mga artista eh. Magkakaroon na rin ng matinding silbi ang cellphone ko. Kung dati, tuwing may occasions lang nakakatanggap ng greetings ang phone ko, dudumugin ng fan mails ang inbox ko balang araw. May mga simpleng ‘huuuy!!! i’m pedra, Meron ding hardcore na censored, pang-stalker, matsismis na ‘uy idol, totoo bang dine-date mo si Jennylyn Mercado ng Starstruck? nabasa ko sa dyaryo e,’ at kung anu-ano pa. Dadami din sigurado ang gustong makipagkaibigan sa akin. Speaking of date, balang araw, ili-link din ako sa kung sinu-sinong mga teen stars, starlets, at matrona; hindi tulad ngayon na walang sinuman and gustong ma-link sa akin. Hindi na maaalis iyan eh. Kasama na sa showbiz. Okey lang iyan. Puwedeng gawing raket para mas lalong sumikat. Atsaka iyong mga kakornihan na ipapagawa sa mga talk shows at noontime variety shows, oks lang na gawin. Madali yatang magpakaplastik sa TV. Iyong kunwari enjoy na enjoy ka, pero sa kaloob-looban mo, gusto mo ng umalis. Tapos, kung dati, naospital ako, walang may pakialam, balang araw, ilalagay pa sa balita ang nangyari sa akin. Mababasa sa diyaryo ‘Artista, naputukan noong New Year’ at hihintayin ang aking paggaling. At kung umabot pa sa kasamaang palad, balang araw, ila-live telecast pa pati ang aking burol at libing. Iiyakan ako ng aking mga fans at gagawan pa ng samut-saring goodbye Lagsh specials at exclusives sa TV na tiyak kong magiging madrama. Ito lahat, mangyayari sa hinaharap. Mag-iiwan ako ng tatak sa isipan ng mga Pilipino. Hintayin niyo lang ako sa inyong mga radyo at TV. Balang araw, ako na ang maririnig at makikita ninyo diyan. Balang araw.
Sambit nila, “First love never dies.” Pweh. Dalawang taon... Dalawang taon kaming mag-on. Hindi niya ako sinagot, at hindi ko rin siya niligawan. Sa mga unang buwan ng Kinder, basta na lang naging kami. Siya si Carol. Karol. Carol. Karol. Ewan. Hindi ko alam ang tamang ispeling ng unang pangalan niya, pero malakas ang pakiramdam ko na Carol ang tamang ispeling. Pero Karol nga ata ang wasto. Whatever! Carol na lang. Hindi ko rin matandaan kung ano ang apelyido niya. Ang alam ko, never kong inalam kung ano. Noong malaman kong Carol ang kanyang pangalan, hindi na ako nag-abala pa na malaman ang ibang impormasyon tungkol sa kanya—birthday, father, mother, occupation, brother, atbp.—ngunit tiyak na mas matanda siya sa akin sapagkat ako ang pinakabata noong Kinder. Kwatro anyos lang ako Tingin ko, hindi rin niya alam ang apelyido ko. Wala naman kaming pakialam. Ang pagmamahalan namin ng tapat ay sapat na upang huwag kaming tantanan ni Kupido. Si Carol ang unang babaeng naka-holding hands ko. Naaalala ko pa nga Habang magkahawak ang aming maliliit na daliri’y maglalakad kami sa playground ng paaralan. Prinsipe’t prinsesa kami ng sarili naming musmos na kaharian. Tapos makikipag-tagtagan ako sa aking mga kaklase habang pinapanood niya ako. Siya ang dahilan kung bakit inspired akong manalo sa mga tagtagan at habulan. Siya rin kaya ang dahilan kung bakit ako topnotcher sa klase? Malamang. Puting bulaklak na parang sampaguita, pero hindi sampaguita, na matatagpuan sa tabi ng isang gusali na malapit sa paaralan. Ito ang una at huling bulaklak na binigay ko sa kanya. Ito’y noong kami’y Prep at nagpapraktis ng graduation ceremonies. Basta ko na lang pinitas at hinarap sa kanya. Walang hiya-hiya. Walang sabi-sabi. Inabot ko ang bulaklak; tinanggap niya. Pati mga guro nami’y kinilig sa eksena. Alam ba ng aking mga magulang ang tungkol sa aming mumunting relasyon? Oo. Sa edad kong apat na taon, alam na nila na may girlfriend ako. Sinabi ko eh. Ang sanlibutan ay hindi nagrebelde sa aming pagmamahalan, ngunit nahinto ang pagdaloy ng tubig nang gumradweyt kami ng Pre-School. Tila isang unos na bigla na lamang sumakop sa isang mapayapang alapaap. Nawalay kami sa isa’t-isa. Walang last parting words. Nagkahiwalay kami ng hindi namin nalalaman ang telephone number o address man lang ng isa’t-isa. Pati sarili kong address, hindi ko pa Pinaghiwalay kami ng kapalaran. Perpektong-perpekto ang aming relasyon, ngunit sa isang gabi ng pagtatapos, tila inayawan kami ng Kalikasan. Tuloy pa rin ang buhay. Walang sulat. Walang picture na magreremind sa isa’t-isa. Tanging mga larawan sa isip ang nagpapanatili ng aming pagsasama. Medyo brown na buhok na hanggang balikat at naka-headband na pink—ito ang mukhang iniwan niya sa akin, sapagkat noong Graduation, hindi ko siya nakitang naka-toga. Nahalikan ko na siya minsan sa pisngi nang naka-fall-in-line kami papasok sa classroom. Ako, hindi pa. Unfair, no? Siya naman kaya, tinago kaya niya ang puting bulaklak? Patay. Nalanta na iyon sigurado. Nang mag-Grade 3 ako, due to some unavoidable (but legal) circumstances, hindi na ako tinanggap sa paaralang aking tinutuluyan, kaya’t inenrol ako muli sa paaralan kung saan kami nagkakilala ni Carol. Itutuloy... | |||||||||||||||||||||||||